
Parang kailan lang nang huli akong lumahok sa Litratong Pinoy, at ako'y eksayted sa iba pang mga paksang ilalahok. Huwebes, at mapalad ako dahil iisa lang ang klase ko, at may pagkakataon pa akong makapaghanap ng mga paksa, at gayundin ang pag-gawa ng entry ko.
Ang paksang kalahok ngayong linggo ay "Excited" at lahat ng mga kalahok ay eksayted na ring kumuha ng mga litratong kalakip.
Sa pagsisimulang paksa, alam naman nating lahat na parating na ang pinakahihintay nating araw, at araw-araw rin tayong nag-eekis sa kalendaryo, habang paparating ang Pasko, tayong lahat ay eksayted.
Ito ang kuha ko nung nakaraang linggo at kalakip ang bagong kuha ngayong araw:
Isang bata at ang kanyang "mommy" ang magandang konsepto ng paksa, dahil nga makikita nating masaya sila kahit nakatalikod, at kitang-kita kung gaano ka-eksayted ang bata. Sa huling banat, nalaman kong, mama at kapatid ko pala ang nasa litrato.

Ito ang isa pang lahok ko, si manong drayber na tila eksayted sa bagong araw ng pamamasada. Mula sa ulo hanggang sa ulo, kitang-kita ang uber eksyated nitong si manong drayber. Ang masayang parte nito, naeenjoy nya kahit gaano pa kahirap ang buhay, basta cool ka lang.

Maligayang LP sa lahat.
Read More...