Huwebes na naman at bagong lahok na naman ng Litratong Pinoy, ako'y maantok-antok pa at wala pa sariling kamalayan, ngunit lalahok na sa linggong tema.
Bago ang lahat, kakagaling ko lang sa eskwela at naaamoy ko pa rin ang pabangong nagamit ko kanina.
Magsisimula ang lahok ko dito, at ang tema ay "Ang Pagwawagi", alam ko karamihan sa atin ay nakaisip ng Manny Pacquiao (di nga ba?). Ngunit wala namang nakakakuha ng litrato ni Pacman maliban na lang dun sa mga propesyonal. Iba naman ang magiging konsepto ko. Alam naman nating ,maraming bagay ang sumisimbolo ng pagwawagi, kaya naisipan kong iakibat ang Medalyo sa konsepto ng tema.
Ito ang medalyo ko nang sumali ako sa isang patimpalak ng SOCCSKSARGEN IT CHALLENGE, kung saan iba't-ibang paaralan ang nagsinglahukan, marami ang bigatin. Animating (Audio-Visual) ang kategoryang ipinasa sa akin. Sa wakas, sa huling pagkakataon, nakuha ko rin ang 1st place na una'y hindi ko nakamit ng nagdaan taon. Php2000.00 ang napanalunan ko, maliit mang halaga, ay napasaya ako, dahil may nagawa rin pala ako buhat ng aking talento. Isang medalyo rin ang aking natanggap mula sa ACLC, nang ako'y umaakyat sa entablado.
Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga bagay na to, na minsan naisip kong napagdaanan ko rin pala. Ito nga talaga ay mahalaga, at pinag-iingatan ko. Maligayang LP!
Post a Comment
What do you think? Speak your mind.