Sa classroom, naghahanap ng bakanteng upuan makatabi lang ang kachismis na classmate. Sa isang napakatahimik na klase, na sinasabayan rin ng nakakaantok na titser, hayun pinatugtog ang "Kung Liligaya Ka" ni Imelda Papin mula sa cellphone na kinagigiliwan tuwing lunch time. Pag dating ng examination day, todo tago at yuko nang ulo para lang makapanggoodtime at maipareho ang mga sagot sa katabing wala ring alam sa mga pinagsasagot niya.
Ganyan ang dating namin nung nilalakbay pa ang mga huling araw ng hayskul, matapang, maingay, at higit sa lahat, walang kinatatakutan, para bang isang tagline ng balita. Kahit ganyan ang naging asal namin, natuto rin kaming maging seryoso at pilit na ipinasok sa isip na matutong tumanda kahit minsan. Naging "Black Sheep" ang aming seksyon ng dahil na rin sa amin. Ngunit masaya naman kami.
Nagtaka ka ba kung bakit ganito na lang ang mga nailagay ko sa lahok na ito? Isang punto lang ang nais kong ibahagi sa inyo, at iyon ay ang linyang, "The best things in life aren't things", kung nakuha mo ang ibig ipahiwatig ng linya, malalaman mong napakahalaga ng mga taong nakapaligid sayo, lalung-lalo na ang mga KAIBIGAN. Masasabi kong isang pack Mahahalagang Regalo ang natanggap at nakita ko nung ako'y hayskul.
Sa tingin mo? May mahalagang regalo ka rin bang natanngap ng tulad ko? Maligayang LP!
Post a Comment
What do you think? Speak your mind.