LITRATONGPINOYNaging paboritong kulay mo ba ang pula? Ang pula ay isa sa mga dominanteng kulay sa mundo. Marami ring isinasagisag ang pulang kulay, tulad na lang sa isang watawat, naihahambing ito sa asul, na nagpapahiwatig ng kalayaan, at ang pula'y kasalungat nito.
Sa pagsisimula ng bagong taon, todo linis ang bawat isa sa amin. Nagkaisa kami sa lahat ng gawaing pambahay, di pa kasali ang labada. Sa unang linggo ng bagong taon, marami ang binago, may naidagdag at may naibawas. Maraming itinapon, at ipinamigay.
Tulad na lang nitong
vase, pandagdag kulay sa haligi ng bahay. Nagbibigay ng atraksyon sa bawat pumapasok, dahil na rin sa pulang vase na napapaligiran ng dalawang puting vase. Malinis na malinis na ang bahay, ang family pic na dati'y naisantabi lamang, ay ngayo'y nagkaron ng pwesto. Teleponong bagong pagpag, at and telebisyong nagkaron ng pantakip at ang orasang may bagong baterya.
Nabawas-bawasan na rin ang sa tingin ko'y di nauubos na
Coke cans na nakatambak sa likod ng bahay. Nagkaron ng kaunting pagbabago at naging malinis tingnan pag maraming naisantabing di kinakaiangang makita.
O, kayo? Ano-ano bang mga pagbabagong ginawa nyo sa inyong mga tahanan?
Pulang vase at itinapon ang mga
pulang lata ang inilagay at ginawa namin sa unang linggo ng taon.
Maligayang LP!
Post a Comment
What do you think? Speak your mind.