Madumi ang naibigay na tema ngayong linggo at balak ko sanang pumunta sa mga kalye at kumuha ng "community shot" ngunit napakalakas ng ulan. Bumabagyo.
Ang unang litrato ay isang "mop", pasensya na at hindi ko alam ang salitang tagalog nito. Alam naman natin na ginagamit ito pantanggal nang anumang dumi sa sahig. Sa konseptong ito, naiisip mo bang mahalaga pala ang mga bagay na hindi natin namamalayang may halaga. Kahit gaano pa man ito kadumi. Tulad na lang ng "mop".
Ang panghuling lahok ay ang "storage room" ng aming "dirty kitchen", talagang napakadumi. Ngunit ang duming nakapaligid dito ay pawang natural, nalulumaan kasabay ang pag-edad. Mga lumot na nakadikit sa sulok-sulok.
Madumi o malinis man ang paligid, bigyan natin ito ng puna. Gumawa ng hakbang na nararapat. Sa lahat ng kalahok, maligayan LP sa inyo!
Post a Comment
What do you think? Speak your mind.