(paksa: kinagisnan)
Ngayon lang ulit akong nakapagpost, at pakiramdam ko'y matagal-tagal na rin yung nakaraang article ko.Bagong linggo na naman ng paglalahok sa litratong pinoy, at sa tingin ko'y medyo nahihirapan ako sa paksang "KINAGISNAN", malimit ng gumana ang utak ko, ngunit hindi ito katwiran upang hindi ako makakalahok sa linggong ito.
KINAGISNAN
May kahulugan ang mga napili kong paksa para sa litratong, halintulad ng mga tinidor at kutsarang nakalatag. Bilang pinoy, natutunan ko sa aking tahanan ang pagpapahalaga sa pagkain at pagkakaroon ng "table manners". Isa pang konsepto ang aking naipapahayag sa litratong nasa taas. Lumaki akong buo ang pamilya at nakasanayan ko na ang sabay-sabay na naghahapunan sa hapag-kainan, kaya naisipan kong isimbolo ito.
Isa pang nailalaang konsepto ang mga baryang nasa alkansya. Nuong bata pa ako, lubos ang aking kaligayahan pag ako ay nabibigyan ng limang piso. Inosente pa nga. Sa paglaki ko, naisipan kong mag-ipon, marami akong gusto mabili, mga makamundong bagay, ngunit pinag-iipunan ko ang mga ito.
Araw-araw rin tayong gumagamit ng barya upang may maisukli, maibabayad, at maipambibili. Lahat ay nangangailangan nito, naisipan kong salat na sa pera ang Pilipinas, dahil marami ang hindi marunong gumamit ng mga likas na yaman ang bansa.
Maligayang LP sa lahat ng kalahok.
Post a Comment
What do you think? Speak your mind.