(paksa: maalala mo kaya?)
SAPATOS - ito'y mga saksi sa iyong mga napuntahang lugar, mga karanasan na iyong napagdaanan. Sa bawat paglakbay, ang sapatos ang tumutulong sa atin na magpatuloy sa paglalakbay, dahil alam rin natin na may magandang parorooan ito.
Sariwa pa sa aking alaala nang matanggap ko ang una kong pang-larong sapatos na Robertson, nung panahong iyon, marami ang umaasam na magkaroon ng ganung klaseng sapatos, kaya maligayang-maligaya ako nang malaman kong bibilhan na ako ng panibagong sapatos, dahil nululumaan na ang matagal ko nang nabiling sapatos, at bukod pa rito'y hinay-hinay nang nasisira ang iyon, at nagmumukha nang "alligator".
Eto ang isang tula na nagapasariwa sa ating mga alaala kasama ang ating "kaibigan" sa paglalakbay:
Minahal din naman kita
higit pa sa sarili kong mga paa
Minsan ay inalaagaan pa nga
Kaysa sa hilatsa ng aking mukha
Ngunit ika'y napagod na rin
sa pagsunod sa aking lakbayin
At nabuhol na rin ang iyong dila
sa pagyapak sa putik ng aking mga paa
Eto ka ngaun nasa sulok ng kama..
Hinahayang makipagtalik sa lamig na dama
at batid ko na sa araw na iyon
Di na kita magagamit pa
kahit CHUCK TAYLOR ka pa.
Napakasenti mo naman habang binabasa mo'to.
Maligayang LP, mga ka-litratista!
Post a Comment
What do you think? Speak your mind.