Kadliman ang paksa, at ito ang kalakip na litrato:
Kadiliman ang karaniwang tawag pag walang presensya ng liwanag. Hindi ito ang katambal ng liwanag ngunit, sa nasabi nga, ito ang hindi pagkakaroon ng liwanag. Marami ring pumapasok sa isip kapag ang pinag-usapa ay kadiliman, halos lahat dito ay negatibo, tulad ng kamatayan, multo, pagkatakot na baka may masamang mangyari. Anuman, ang maiisip ng normal na tao tungkol dito sa ating paksa, ito pa rin ay may magandang dulot, di lang sa pisikal na pagpapaliwanag kundi sa mental rin na pagpapahayag. Kadiliman ang nagpapahwatig na nagtatapos na ang araw, at sinisimulan naman ito ng liwanag, na naipapahayag ang bagong araw.
Post a Comment
What do you think? Speak your mind.